Company News & Growth
Ang Simula ng Pangarap: Meet the First Employee of B.I.T.S.!
Published on October 13, 2025 by Joselito Bacolod

GRABE. Today is a day na sobrang tagal kong hinintay at pinagtrabahuhan. Sa wakas, may official first employee na ang Bacolod Information Technology Solutions (B.I.T.S.)!
At sobrang saya ko na i-welcome hindi lang basta kung sino, kundi ang best friend ko pa, si Dan Mark De Leon, bilang aming bagong Remote Sales Partner!
Kung sinusubaybayan niyo 'yung journey ko, alam niyong B.I.T.S. has been a one-man show for a while. Puro passion, puyat sa pag-code, at pangarap lang ang puhunan. Today, 'yung pangarap na 'yun, nag-level up. Matagal ko nang goal na makapag-hire, at wala na akong mahihiling pa na mas tamang tao para samahan ako sa biyaheng 'to.
Pero 'wag kayo magkakamali, hindi ko siya kinuha dahil lang best friend ko siya. Kinuha ko siya dahil sa skills niya—skills na saktong-sakto sa kailangan ng B.I.T.S. para lumago. With more than 3 years of experience sa IT industry bilang Service Desk at System Administrator, ang dami niyang dalang kaalaman sa infrastructure, cloud, at migrations.
Ilan ito sa mga kayang gawin ni Dan:
- System Administration: Sanay na sanay sa Windows at Linux servers, at bihasa sa Active Directory, DNS, at virtualization platforms (Hyper-V at Proxmox).
- Cloud & Collaboration: Certified Microsoft 365 Fundamentals 'to! Kayang-kaya niya mag-handle ng AWS at 'yung sakit sa ulong email migration from Google to M365.
- Backup & Monitoring: At higit sa lahat, malupit sa pag-setup ng backup and disaster recovery plans. Ito 'yung aalagaan 'yung data at business ng mga clients natin.
'Yung ganitong technical foundation, 'yun ang kailangan. Naiintindihan niya 'yung mga tunay na problema ng mga negosyo at may experience siya para bigyan 'yun ng solusyon.
Ang pagpasok ni Dan sa B.I.T.S. ay hindi lang para gumaan ang trabaho ko. Ang pangarap ko para sa B.I.T.S. ay maging isang kumpanya na masasandalan ng mga small and medium-sized businesses para sa lahat ng IT needs nila. Ngayong dalawa na kami, mas abot-kamay na ang pangarap na 'yan.
Unang hakbang pa lang 'to. Mahaba pa ang lalakbayin, pero sobrang excited ako sa kung anong kaya naming buuin. Having a trusted friend and a skilled professional by my side—ito na talaga ang tunay na simula.
Please join me in giving a warm welcome to Dan Mark De Leon! Let's build the future of B.I.T.S. together!