Project Launch & App Development
Malapit Na: The "Kapilya Near Me" Android App is Almost Here!
Published on October 13, 2025 by Joselito Bacolod

Mga ka-dev at mga kapatid! GRABE, sobrang excited ako i-share sa inyo ang isang project na matagal ko nang pinagpupuyatan at nilalaanan ng oras at puso.
Sa wakas, malapit niyo nang mahawakan ang Kapilya Near Me Android App!
Nagsimula 'to sa simpleng pangarap at pangangailangan: paano ba mapapadali para sa mga kapatid na mahanap ang mga kapilya at schedule ng pagsamba, lalo na 'pag nasa ibang lugar sila? Mula sa isang web application, in-upgrade na natin siya to a full native Android app para mas mabilis at mas maganda ang experience.
Ang goal ko ay bigyan kayo ng tool na madaling gamitin at sobrang helpful. Ito 'yung ilan sa mga features na pinaghirapan ko:
- Interactive Map View: Kitang-kita mo lahat ng kapilya sa paligid mo. No more guessing games!
- Madaling Search: Pwedeng maghanap by pangalan ng lokal o distrito, o gamitin ang "current location" mo para mahanap ang pinakamalapit sa'yo.
- Laging Updated na Schedules: Makikita mo ang mga oras ng pagsamba at kung anong language ang gagamitin sa bawat lokal.
- Personalized Experience: Pwede mong i-mark as "Visited" ang mga napuntahan mo nang lokal para ma-track ang progress mo, at i-save ang mga "Favorites" mo para mabilis mahanap.


Sa ngayon, nasa Internal Early Access na ang app sa Google Play Store. Ibig sabihin, nasa huling bug-fixing at polishing stage na tayo! Ito ang kauna-unahan kong Android app na ipa-publish sa Play Store, kaya medyo kabado pero sobrang excited!
Ang plano, kung walang magiging problema sa review ng Play Store, ay i-launch ito sa public in about 14 days from now. Pero bago 'yun, kailangan ko ang tulong niyo!
Para masigurong stable at walang major bugs ang app, naghahanap ako ng ilang internal testers. Kung interesado kang subukan ang app bago pa man ito ma-release at tulungan akong mahanap ang mga kailangan pang ayusin, please send me your email!
Sobrang laking learning experience nito para sa akin, at hindi na ako makapaghintay na ma-share 'to sa inyong lahat. Maraming salamat sa patuloy na suporta. Malapit na!